Akala ko dati masaya mag isa pero ngayon ramdam na ramdam ko na yung loneliness.
In my 20s, naeenjoy ko talaga mag isa and hawak ko oras ko. But now that I'm in my 30s, ramdam ko na yung loneliness. Routinary na lang. Work, travel, eat out, uwi, watch movies/series - alone.
I live alone. Single. Bawal pets. Walang kausap. Lahat ng friends, nasa malayo, busy na or may family na.
I tried joining on Discord servers para somehow may kausap but at the end of the day, lalo na pag biglang walang tao sa server, wala rin. Hinahanap ko yung feeling na sana may mapag kwentuhan man lang ako ng kahit anong thoughts ko mapa funny man or yung worries, fears, and dreams ko.
Kapag nagta travel, hinahanap ko na sana may kausap man lang ako to tell na ang ganda ganda rito or ang sarap ng food.
Lahat ng thoughts ko, sakin lang. Anong gagawin ko rito? Journal? Minsan nagsasalita ako mag isa to check if okay pa ba ako.
I usually work from home and if hindi naka speaker yung laptop, ang tahimik.
Masaya sya dati pero now... 30 pa lang ako, di pa naman senior pero ramdam na ramdam ko na yung loneliness.
Ako lang ba? Pano ba kasi to?